Banyuhay

Huwag mong pigilan ang pag-iibang anyo
Lahat dumadaan sa pagbabago

Tanda mo pa ba noong paslit ka pa lang?
Makulit, matakaw at mahilig maglagalag
Tulad ng malusog na uod na nakatambay sa inyong halamanan
Pero ‘di hamak na mas maswerte ka kaysa sa munting insekto
Mag-isa silang naglalakbay, ‘di tulad mo
May kapamilya, kaibigan o katukayo
At oo, alam kong mas kumplikado ang buhay ng tao

Ngunit hindi mo ba batid na tulad ng maliit na nilalang
Tayo rin ay nakararanas ng banyuhay
Isang mahalagang proseso sa ating buhay
Gaya ng kanilang pamamalagi sa isang bahay-uod
Ay ang simula natin sa mas malalim na pagkilala sa sarili
Nakakapag-isip, nakakapagmuni-muni
Pinaghahandaan ang paglipad sa malawak na mundo

‘Wag na nating ikaila
‘Wag na magpanggap
Hindi madali ang pagdadaanang pagsubok na ito
Kalilituhan ang tama sa mali
Mapapatanong kung katumbas ba ng bawat sandaling
Masusugatan, madudurog
Ang naghihintay na bukas
Baka pwedeng hanggang dito na lang
Dito sa loob ng kukun kung saan ligtas
Kung saan ‘di ko na kailangang lumabas
At harapin ang panganib ng mundo

Kaibigan, huwag mong pigilan ang pag-iibang anyo
Lahat dumadaan sa pagbabago

Sikapin mong makawala sa kinalalagyang kahon
Buksan mo ang isip sa kung ano ang nasa ngayon
Pahalagahan mo kung paano ka pinagtitibay ng panahon
Kilalanin mo kung sino nakasama mo simula noon

Tulad ng paru-parong inaalam kung paano lumipad
Hayaan mong ikaw ay unti-unting makibagay
At sa sandaling simulan mo ang iyong paglalakbay
Ika’y masabik at mag-ingat sa kung saan ka dadalhin ng iyong pakpak

Published by R. K.

A youth trying to understand life

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create your website with WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: