Crush Mo Nga, Crush Ka Ba

Required na ba ngayon na i-crushback ni crush?

Mapayapa akong nagbabasa ng mga posts na nasa Facebook newsfeed ko nang may nakita akong shared post mula sa isang kaibigan.

Ang shared post hahaha

“Ay demanding friend!”, ang unang sumagi sa isipan ko. Pero naalala ko na ganito rin ako noong elementary. May naging crush kasi ako noon for four solid years. Ako na nahihiya sa sarili ko tuwing matatandaan ko yung mga techniques na ginamit ko dati, nagbabakasakaling i-crushback niya.

Mga Petmalung Galawan para Mapansin ni Crush

  • I-like lahat ng post niya sa Facebook
  • Tulungan siya sa homeworks (Tulungan nga ba? Baka ikaw na gumawa eh)
  • Ilibre si crush
  • Panoorin yung favorite series niya
  • Act “normal” kapag napapadaan siya

Ilan lang ‘yan sa mga ginamit kong paraan noong elementary. Minsan napapaisip na lang ako kung gaano ako kadesperado ma-crushback dati. Tsaka bakit four years kang na-stuck sa isang tao self? ‘Di naman siya kagwapuhan. ‘Di rin matalino o masipag. Ang hilig pa nga makipag-away. Bad boy fad enthusiast ka ba?

Buti na lang pagpasok ko ng highschool, naka-move on na ako (Naging kayo?). Mas tumapang ako noong junior high! Naalala ko yung isa kong crush na senior ko, niregaluhan ko pa ng bagong damit. May girlfriend pala si kuya, na-issue pa tuloy ako. Ang tapang ko kasi umamin dati. Dalawang guy ang naka-MU ko na pero lahat ‘yon nauwi na sa friendship kasi I realized my priorities in life.

Pero linawin ko lang, nagkaka-crush pa rin naman ako. Hindi na nga lang ako naamin. Which takes me back sa nabanggit kong post na nasa itaas. Maaaring for fun lang ‘yon pero hindi ko maiwasang makaramdam ng pressure mula doon sa pahayag.

Bakit bet na bet ng maraming kabataan na piliting ma-crushback?

Nakakahaba naman talaga ng buhok kapag alam mong crush ka rin ni crush. Pero ang pangit naman kung napilitan lang siya kasi ang kulit mo. Tawagin na akong duwag pero ‘di na talaga ako basta-bastang umaamin lately. May mga crush kasi na nagsisimula sa small friendship. As much as I want to express myself, I don’t want to confuse the person with my feelings. Ayaw kong magkaroon ng awkwardness. Or may kailangang mag-adjust para sa isa.

Minsan may mga crush tayo na gusto lang nating makita na happy sila, umaasenso ganern. Kung sakaling crush din tayo, edi masaya. Pero kung hindi, sana ‘wag nating ipagpilitan. Kasi may mga taong mabilis ma-pressure ng emotions. Baka imbes na maging inspiration ka eh distraction ang punta. Admire from afar. ‘Yan na ang galawan ko ngayon.

‘Di naman required ang crushback. Pero kung sakaling pareho na kayo ng nararamdaman, siguraduhing may clarity at mabuting patutunguhan bago niyo palalimin ‘yan.

Published by R. K.

A youth trying to understand life

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create your website with WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: